Friday 23 November 2012

My Neighbors kabanata 8-2



“Si Boboy,” anas din niya. “Pinsang-buo ni Rado. Do me a favor, Sam.”

“Yeah, what?”

“Kunwari boyfriend kita. Kasi, infatuated siya sa akin, e. Kinukulit ako. I want to put an end to it so —”

“Yeah, I got it.”

“Okay, let’s wait till he’s finished with that piece.”

“Hawaiian War Chant.”

“What?”

‘”Yon ang tinutugtog niya. Naalala ko’ng violin ng daddy ko. Kaya ko ring tugtugin ‘yan sa b’yulin.”

NAGULAT si Boboy nang makarinig ito ng palakpakan pagkatapos ng tugtog. Napalingon ito at nang makita sina Liza sa gate, bumaba sa swing at pa-OA na nag-bow Ikinawit pa ang kanang braso sa ilalim ng dibdib kasabay ng pagyuko.

“Thank you,” ang sabi kasabay ng paglalagay ng harmonica sa panlikod na bulsa ng pantalon. “Thank you very much, it’s nice to be appreciated, ahem!”

Nang buksan ni Boboy ang gate, nangislap ang mga mata nito at napangiti kay Liza. Pero pagsulyap kay Sammy ay lumamlam ang tingin at wari’y biglang humaba ang guwapong mukha.

Talagang infatuated sa akin ang batang ‘to, ani Liza sa sarili. Okay, now is the time to nip the infatuation right in the bud.

“Masarap palang umistambay dito sa swing n’yo, Liza.”

“Oo naman,” aniyang hinagilap ang isang palad ni Sammy na medyo nagulat pa sa kanyang ginawa kahit may lihim na silang usapan. “Sweetheart, si Boboy. Boboy, ang boyfriend ko… si Engr. Sammy Cuervas.”

Pangiting tumango si Sammy kay Boboy, ikinawit pa ang kaliwang braso sa beywang ni Liza.

“Hello, Boboy,” pag-aabot nito ng kanang palad sa nakababatang binata. “Ang galing mong tumugtog ng harmonica.”

“Salamat,” sabi nitong tinanggap ang palad ni Sammy. “But I’m sorry, pare ko. It’s not Boboy. It’s Bobby. Capital B —”

No comments:

Post a Comment