Friday 23 November 2012

My Neighbors kabanata 8-1



PINIGIL siya ni Sammy nang aktong bubuksan niya ang pinto ng kotse para umibis na. Mag-aalas-onse ng umaga ring iyon nang ipark nito ang sasakyan sa tapat ng kanilang apartment.

“Wait, Liza…”

Nakangiting tumingin siya rito. “It’s all right, Sam. Maski hindi mo ako ipagbukas ng pinto ay alam ko namang very gentleman ka.”

“Okay, you can open your door but wait.”

May kinuha ito sa likod ng sandalan ng upuan ni Liza. Isang pulang rosas na may mahabang tangkay at tatlong berdeng dahon. Ibinigay nito iyon sa kanya.

“Sammy —”

“It’s just a rose. A friendly rose…”

Tinanggap niya ang bulaklak. “Salamat.”

Halos sabay pa sila nang umibis sa kotse. Nauna siyang makalapit sa gate. At medyo nagulat pa siya nang marinig ang tunog ng isang harmonica.

Nasa pulang swing si Boboy.

Dati nga’y garahe ng daddy ni Divie ang harap ng kanilang apartment. Ginawa nilang hardin ng mga halaman sa paso ang garahe nang makabili na ng house and lot sa Bulacan ang mga magulang ng kaibigan niya, at maging magka-share sila sa apartment. Hindi binitiwan ng pamilya ang apartment para may matirhan si Divie sa Meto Manila. Mahirap mag-commute araw-araw patungo at mula sa Bulacan.

Sa isang sulok ng dating garahe’y naglagay si Divie ng isang swing. Pahingahan nila sa labas ng bahay. A nook to stay kapag nakakasawa nang magkulong sa kuwarto, o manood ng telebisyon at makinig ng stereo music sa salas.

Ngayo’y nasa swing si Boboy, nakaupo nang patalikod sa gate, tinutugtog sa harmonica ang napakasiglang himig ng isang awitin:

Tarara – rarararan… tarara – rarara – ran… tatt -tat – tararan – tat – tatt.. tatattaraannn…

Napatigil din si Sammy sa tabi ni Liza nang makalapit sa gate. Nawili rin ito sa pakikinig sa masiglang himig na iyon.

“Who’s he?”anas ni Sammy.

No comments:

Post a Comment