Thursday, 15 November 2012

My Neighbors kabanata 1-2


Parang inis na napatingin si Mark sa labas ng bakuran. “So what?” sabi nito. “Ano naman ang magagawa ni Pareng Dante kung patulan ng sister niya ang Rado Vargas na iyon? Binata naman pala iyon at hindi kasal sa dating ka-live-in!”

Napabuntunghinga si Sammy at tinungga ang laman ng kanyang baso. “Aahhh…!” aniya nang wari’y muling mapaso ng matapang na whiskey ang kanyang lalamunan. “Hanep talaga tong Chivas. Ang tapang. Whew!”

“Manligaw ka na lang sa iba, ‘tol,” ani Mark. “Kalimutan mo na si Divina.”
Tumango siya. “Ano pa nga ba’ng magagawa ko? Pero na-love-at-first-sight talaga ako sa babaing ‘yon. Ang ganda kasi ng boobs. Lintik ang sex appeal.”

“Marami ka pang makikitang mas seksi at mas maganda sa kanya.” Tumawa si Mark. “Para ka namang hindi nagbibilang ng s’yota!”

“Oo nga. Kaso . . . kung sino pa ang gusto kong totohanin, doon naman ako nabasted. Ang pagkakamali ko pa e . . . naibigay ko sa kanya ‘yong engagement ring nina Daddy at Mommy.”

“Ano?” pandidilat sa kanya ni Mark. “Ang laki ng sentimental value ng singsing na ‘yon! H’wag nang sabihing ang bato niyon e worth a fortune na rin naman. Bakit naman ibinigay mo sa kanya ‘yon e hindi mo pa pala s’yota?”

“Buong akala ko nga, in the bag na siya, e.”

“Ay, tanga! Kapag nalaman ni Mommy ang tungkol do’n, ipababawi sa ‘yo ‘yon!”

“Naman!” Kahit lalaki’y napairap siya sa kapatid. “Sabihin nang worth more than a hundred thousand pesos iyon, mapapalitan ko naman siguro yon, Kuya Mark!”

“Hindi na nga ‘yong monetary value ang importante, e. Hindi mo ba alam na ang original na me-ari niyon e si Lola Remy? Engagement ring ‘yon ng lola’t lolo natin sa father side, ‘tol! Ipinamana ni Lola Remy ke Daddy, at naging engagement ring naman nila ni Mommy. Bakit nga ba sa yo napunta ‘yon?”

“Aba’y ewan ko,” aniya. “Ibinigay sa ‘kin ni Mommy, e. Siguro nga, mas paborito niya ako kesa sa ‘yo.”
Napatingin si Mark sa kanilang parental house. Mas malapit sila sa bakod ng lote kaysa kongkretong bahay. Pagkat pamilyado na ay hindi na nakatira roon si Mark. May sarili na itong bahay sa Roxas District, QC.

Dinalaw nito nang Linggong iyon ang kanilang mommy na kaaalis lang, makikipag- mahjong sa isang amiga sa Mandaluyong City. Naging dibersiyon na ng kanilang ina ang pagmamadyong mula nang mabiyuda.


“I’ll tell you this, Sammy,” sabi nito. “A family legacy such as that should be regarded with respect. Bawiin mo yon kay Divina.”
“Kuya naman!”

“I’m not as superstitious as Mom, Samuel. Pero kapag ang ganoon daw mga gintong pamana ay napunta sa di kinauukulan, mamalasin ang buong angkan! I’m sorry, I think I’ll have to tell Mommy about this!”

No comments:

Post a Comment