Friday 23 November 2012

My Neighbors kabanata 8-4



“Sabagay. Teka… hindi ka ba kukulitin ng Boboy na ‘yon pag-alis ko? Alam niyang nag-iisa ka lang dito.”

“No. I can handle him.”

“Makulit ‘kamo, e.”

“Oo, pero mabait siya. Takot ‘yon ke Rado at lalo na sa kanyang ina, si Tiya Lucy.”

“Oh, well… kapag ang tao’y me respeto sa awtoridad, he can be handled.” Tumayo na si Sammy. “O, pa’no? Baka sa Baguio na nga tayo magkita uli. Tatlong linggo akong madidestino roon. But I’ll keep in touch.”

“Sige.” Tumayo na rin siya. Ano nga kaya ang dahilan at biglang naging malapit sa akin ang lalaking ito? May ulterior motive nga kaya ito, tulad ng suspetsa nina Rado at Divie?

“Halika,” sabi nitong hinagilap ang kanang palad niya. “Ihatid mo ako hanggang sa may gate.”

Magkahawak-kamay silang lumabas.

May upuang semento sa ilalim ng punong caimito na nasa harap ng bahay na katapat ng apartment ni Rado. Naroon si Boboy nang ihatid niya si Sammy sa gate. Kausap ni Boboy ang dalawang teenage boys na parehong nakagora nang pabaligtad, ang isay may hawak na gitara.

Napatingin sa kanila si Boboy.

Para namang sinamantala ni Sammy ang pagkakataon. Humarap ito kay Liza at nakangiting kumindat, kasunod ang pagdadampi ng isang halik sa kanyang mga labi.

“Goodbye, sweetheart,” ang sabi. “See you.”

Nabigla siya. Pero kaagad ngumiti rin sa binata at tumango. “Sige. Ingat sa pagda-drive, s-sweet-heart.” Lokong ‘to, a! Tinuka ako sa labi!

Inihatid lang niya ng tanaw ang papalayong kotse ni Sammy at pumasok na ng bahay.

NAIILING na napaupo si Liza sa mahabang sopa pagbalik sa salas. Hawak sa tapat ng dibdib ang mapulang rosas na may mahabang tangkay, wala sa loob na dinampian niya ng halik ang mga talulot niyon at napapikit.

Kay tagal nang walang nagbibigay sa kanya ng bulaklak. At kanina lang muling nadampian ng halik ang kanyang mga labi sa loob ng nagdaang mahigit na dalawang taon.

It’s just a rose. A friendly rose…

No comments:

Post a Comment