Friday 23 November 2012

My Neighbors kabanata 10-4



“… because you’re a little bit drunk and I don ‘t want you to get hurt. Okay?”

Tumango siya. “Yes, I will.” Akala ko ‘Take care because I care’ na. Pero… gano’n na rin ‘yon!

GUSTONG mapahagikhik ni Liza paglapat ng likod niya sa kutson ng kanyang kama.

Kaninang nasa disco pub pa sila ni Sammy, sa tuwing magpapahinga sila sa pagsayaw ay lagi na lang itong nakatitig sa kanyang mukha.

Parang lagi nitong inaaninag ang mukha niya sa dim-lighted na lugar. At aywan niya kung dahil nakainom, panay ang pagsasabi sa kanya nito ng, “Don’t you know that you’re so beautiful?”

Sa palagay niya’y na-impress niya ang binata sa kanyang mahusay na pagsasayaw. Madalas ngang sabihin ni Rado na very graceful daw siyang sumayaw kahit siya mataba. At nagtataka sa kanya ang binata, hindi alam na talagang mahilig sila ni Divie na sumayaw kaya siguro nasa college pa lang ay naging magkaibigan na sila.

Lalo silang naging magkalapit ni Divie nang makabili ng bahay sa Bulacan ang mga magulang nito. Naiwan kay Divie ang apartment at naging magka-share sila.

Nangungupahan din lang ng apartment sa Kamuning ang kuya ni Divie at ang asawang si Ellen. Hindi lang siya kilala ng buong pamilya ni Divie. Parang kabilang na rin siya sa pamilya kung ituring ng mga ito.

Kayat may posibilidad ngang baka sa kanya gumaganti si Sammy dahil sa pagkabigo nito sa kanyang matalik na kaibigan, pinaniniwalaan na niya ngayon.

Sinadya niya kaninang muling payagan si Sammy na hagkan nang padampi ang mga labi niya. Inuumpisahan na niyang akitin, pahangain at paibigin ito. Magpapapayat pa siya. Magpapaseksi. At kapag nagkamaling magtapat sa kanya ng pag-ibig ang binata, lumalagapak na “NO, I’M SORRY” ang isasagot niya.

Pero… paano naman kung talagang sincere siya sa akin?

Magtigil ka nga, Eliza!

Para kang sira!

“Be happy,” anas niya nang bumiling at sumubsob sa kanyang unan. “Don’t ever catch the love virus again!”

No comments:

Post a Comment