Friday 23 November 2012

My Neighbors kabanata 10-3



“Hi, Bob — Bobby,” aniya. “Ngayon lang ako nakadalaw dahil kagagaling ko sa Tarlac, e.”

Tumayo si Boboy. “Actually, it’s really Boboy, not Bobby. Capital B, o, boy! Boboy.”

“E bakit tumayo ka na? Ayaw mo na bang maglaro?”

“Ayoko na. Doon na muna ako sa kabila. Sige, Liza… enjoy yourselves.”

Tumango si Liza. “Sige.”

“Let’s go some place,” ani Sammy nang tumingin uli sa kanya ang dalaga. “Mag-disco tayo. Exercise din ‘yon.”

“Ikaw, e. Magpapaalam lang ako kay Divina.”

INABOT sila ng hanggang madaling-araw sa isang disco pub sa Quezon Avenue. Magaling palang sumayaw si Liza, natuklasan ni Sammy. Siya ang mas napagod ‘pagkat laging gusto ni Lizang sumayaw.

Desidido talaga itong magpapayat. Naka-dalawang ladies’ drink ito, isang pakpak lang ng manok. Panay lang ang hingi nito ng tubig sa tagapagsilbi.

Ala-una y medya, inihihinto na niyang muli ang pulang kotse niya sa tapat ng apartment nito. Inihatid niya ito hanggang sa doorstep.

“Goodnight,” sabi nito nang humarap sa kanya patalikod sa nakasaradong pinto. “I mean… good morning na pala.”

“Good morning,” sabi niya. “I wonder if there’s such a good morning kiss…”

Sa pagtataka niya’y pumikit si Liza at hinintay na hagkan nga niya ito.

Nag-isip siya. Saan kaya? Baka kapag sa labi e magalit. Kung sa pisngi o sa noo naman —

Naalala niya ang isang TV commercial kung saan nainis ang babae dahil sa tagal ng lalaki sa pag-iisip kung saan ito hahalik.

Hinagkan niyang muli ang dalaga sa malarosas nitong mga labi. Dampi lang. “Good morning, Liza. Sweet dreams… sweet morning dreams…”

Tumango ito at dumilat. Ngumiti. “Take care because…”

“Yes, Liza?”

No comments:

Post a Comment