Umabot kami ng 4th year na magkabarkada pa rin kami ni Ismael kahit hindi kami magkaklase sa lahat ng subjects. Komo nagtra-trabaho nga siya kaya bale kulang pa siya ng 9 units para maging regular 4th year. Magkaklase kami sa Stoichiometry at Qualitative Chemistry. Dito sa year na ito nagkaroon kami ng mga syota ni Ismael. At mas lalong okey dahil magpinsan pa ang nadale namin.
Napansin ko na panay ang pa-charming sa akin ng isang magandang chic na pamilyar sa akin ang mukha pero di ko alam ang pangalan. ‘Joel, pahiraman naman ng notes mo sa Stoik’, sabi niya sa akin. Paglingon ko ay siya pala iyon. Siya si Vicky at kaya di ko masyadong kilala ay panghapon pala ang mga subjects niya.
Nginitian ko siya at niyaya sa room namin sa 3rd floor para doon niya kopyahin ang notes ko. Pagdating namin sa room ay naupo kami at nang simulan niyang kopyahin ang notes ko ay nagkakwentuhan na rin kami. Sabi niya, di siya nakapasok kahapon dahil sinamaan siya ng pakiramdam. Nalaman ko na Viveca Bautista pala ang pangalan niya at taga-Imus, Cavite siya. ‘Kamag-anak ka ba ni Ramon Revilla? (kasi alam kong Jose Bautista ang tunay na pangalan ni Ramon Revilla at taga-Imus din siya.) Uncle daw niya si Ramon Revilla. ‘Kaya pala maganda ka, me lahi kayong artista’, sabi ko sa kanya. ‘Di naman masyado’,sagot niya sabay ngiti.
Napagmasdan ko siya at napansin kong lalo siyang gumaganda habang tinititigan. Medyo bilugan ang kanyang mukha, matangos ang maliit na ilong, hanggang balikat ang kanyang buhok at kung ikukumara sa isang artista ay nakakahawig niya si Diana Zubiri. Napansin niya tinititigan ko siya kaya siya ay nagbiro, ‘O baka naman matunaw na ako niyan’, sabay ngiti niya. ‘Ang ganda mo kasi. Di ko ipinahalatang sinusulyapan ko ang kanyang boobs na sa tingin ko ay kay sarap ikuyom sa palad dahil sa kalakihan – dito pa lang ay medyo kumislot na ang aking alaga pero di ako nagpahalata sa kanya.
Nalaman ko na may kaya sila sa buhay. Pinsang-buo ng Daddy niya si Ramon Revilla kaya bale 2nd cousin niya si Bong. Nalaman ko rin na nag-uuwian siya araw-araw dala ang kanyang Toyota Corolla. Kasabay niyang nag-uuwian ang pinsan niyang si Malou na kumukuha naman ng Nursing dito rin sa UST.
‘Bat naman ako pa ang nahiraman mo ng notes?’, tanong ko sa kanya. ‘Kasi mukhang mabait ka at pogi pa’, tugon niya. ‘Wag mo na akong bolahin, hayan na nga ang notes ko sa iyo’, sabi ko naman pero ang totoo ay parang natuwa ako sa sinabi niya. ‘At saka, di ba kabarkada mo si Ismael? Yung kamukha ni Dingdong Dantes?’ patuloy niya. ‘Oo, ka-boardmate ko pa nga siya. Parang nagselos agad ako pero di ako nagpahalata. ‘Type mo ba siya? Mabait din yun’, sabi ko. ‘Di ah, type siya ng pinsan kong si Malou. Di ko type ang mga mapuputi sa lalaki. Mas gusto ko ang moreno kasi lalaking-lalaki tingnan,’ patuloy niya. ‘Uy, patama yata sa akin yon ah’, sabi ko sa sarili ko. ‘Wag papatay-patay, Joel, makaka-score ka kay Vicky’, sa loob-loob ko.
Mula noon ay lagi nang nakadikit sa akin si Vicky. Napag-alaman ko ring medyo liberated siya sa pananaw niya sa buhay. Solong anak pala siya. Nag-iisa lang siya sa kanilang bahay at maid lang ang kasama niya. Nasa Amerika na raw ang parents niya at matagal na siyang pinasususnod pero sabi niya ay gusto muna niya grumaduate ng BSChE bago siya sumunod sa States. Niligawan ko siya at wala pang isang buwan ay naging kami na.
No comments:
Post a Comment