“May lihim na siyang crush kay Rado since two years ago. Simula pa nang mapasok siya sa MDCI, kahit nga ang alam niya ay kasal na si Rado sa dati nitong ka-live-in.”
“Bakit umisplit kay Rado ang ka-live-in niya?”
“Hindi sila compatible.”
“Kakatwa naman ang sitwasyon nila. Mags’yota sila at nakatira sa magkadikit na mga apartment. Para na ring sila’y nasa ilalim ng iisang bubong.”
Napatawa si Liza. “Mas magastos, ‘no? Kapag nakasal sila, puwede nang lumipat si Divina sa apartment ni Rado.”
“O kaya naman ay si Rado na lang ang lilipat sa apartment ninyo.”
“Puwede rin.”
“Siguro’y nagbabalak na silang pakasal agad.”
“Next year pa siguro. Ang gusto raw ni Rado e lilipat agad sila sa sariling bahay oras na makasal. May ibinibigay na pabahay plan kay Rado ang kompanya. Hindi pa lang nakakapili ng lugar si Rado.”
“Ang ginagawang bagong housing project ng MDCI ay nasa San Rafael, Bulacan. Ayaw ba nila roon?”
“Oo. Ang layo, e.”
Tumango siya. “Kelan mo ibibigay sa akin ang panggawa ko ng calling eard?”
“Kahit bukas. Madali lang kasi yon. Bakit ba hindi ka marunong e napakadali namang gawin n’on? Microsoft Word lang ang ginagamit. At WordArt.”
“Ewan ko ba. Sa Microsoft Exel lang ako sanay, e. Sa Word, Adobe or Foxpro, mabagal pa ako.”
“Puntahan mo ako sa office bukas. Tapos ko na ‘yon.”
“Sa Saturday na lang. Mag-lunch date uli tayo.”
Napairap sa kanya ang dalaga. “Pa’no ko matatanggal ang singsing na ‘to kung lagi mo akong pakakanin ng steak?”
Napatawa siya. “Mag-aerobics ka. At mag-jogging. Hindi ka naman pala dating ganyan. Bakit ayaw mong magpaseksi uli? Maraming mai-in-love sa ‘yo…”
No comments:
Post a Comment