Thursday, 15 November 2012

My Neighbors kabanata 2-6


Ang isa pang dulo ng apartment ay may sari-sari store sa ibaba. Aling Lita’s Variety Store. Nasa panulukan iyon ng Simuon Street at ng isa pang kalyeng mula rin sa mga tauhan ng Fili ni Dr. Jose Rizal ang pangalan.

Kakalug-kalog, wika nga, si Rado sa apartment nito. Nag-iisa ito roon mula pa nang iwan ng dating ka-live-in, isang buwan at kalahati pa lang ang nakararaan.

Kung hindi naging mail-order-bride ang dating ka-live-in ni Rado, si Sammy sana ang nobyo ni Divie ngayon, naniniwala si Liza. At hindi ipahihiram sa kanya ni Divie ang suot niyang engagement ring.

No comments:

Post a Comment