Nakatulog sa sobrang hapo si
Mabel. Hinagkan ko sya sa pisngi
at bumulong ako sa kanyang
tenga.
"Nyt honey. I love you."
Tumayo ako at tinakpan ko ang
hubad na katawan ni Mabel ng
comforter. Kinuha ko ang boxer
shorts ko at tshirt at sinuot ulit.
Nauhaw ako.
"Napagod ako dun ah" sa loob-
loob ko.
Pagkalakad ko sa may pintuan...
"Di nakasara?" tanong ko sa
sarili. "Di nailapat ni Mabel
malamang."
Pagbukas ko ng pintuan at
paglabas may nakita akong
gumalaw sa may hagdanan.
"Faye?!"
Napatingin sa akin si Faye.
Putlang-putla... Ngunit nagpatuloy
siya sa pagpunta sa Kuwarto nila
ni Vince.Uminom ako at nagbalik
sa aking higaan at muling
nakatulog …
Nagising ako sa liwanag na
nagmumula sa bintana.
"Ummmmm.... umaga na pala..."
bulong ko sa sarili.
Napatingin ako sa gilid ko. Wala si
Mabel.
"Tumayo na siguro"
Naupo ako sa gilid ng kama.
Naaalala pa rin ang nangyari
kagabi.
"Anong ginagawa ni Faye? Nakita
nya ba kami ni Mabel?"
Nagiisip pa rin ng tumayo at
lumakad sa may pintuan. Bababa
para mag-almusal. Pagdating sa
kusina, nandun sina Mabel,
Pebbles, James and Vince. Wala si
Faye.
"Mornin Jun" bati ni Mabel.
"Mornin... kanina pa kayo gising?"
tanong ko
"Di, ngayon-ngayon lang. Napuyat
kami kagabi. Alas dos na kami
nakauwi eh" sagot ni Vince
"Oo nga... pero enjoy naman."
naghihikab na dagdag ni James
"Kain na Jun" aya ni Pebbles.
"Si... si Faye?" tanong ko.
"Masama raw pakiramdam" sabi
ni Vince
"Yari ka Vince. Nagtatampo yun
kaya ganyan. Late ka na kasing
umuwi." alaska ni James.
"Di. Masama raw talaga ang
pakiramdam. Gusto lang nya
munang mahiga. Tatayo din sya
maya-maya"
paniniguro ni Vince.
"Paano yan? Di makakasama si
Faye sa atin?" tanong ni Mabel.
"Baka hahabol na lang siguro"
sagot ni Vince.
"San ba lakad natin?" tanong ko
"Aba syempre pare...
mamamasyal." sagot ni James.
"First time pala sa Baguio nina
Mabel at Pebbles. Kanina ko lang
nalaman"
"Ahh talaga? bel, ngayon ka pa
lang nakapunta ng Baguio?"
baling ko kay Mabel
"Oo. Gusto ko sanang ikutin at
manguha ng mga pictures" sagot
ni Mabel.
"Ako rin. At saka gusto ko ring
mamili" dagdag naman ni Pebbles.
"O sige. Kain na tayo tapos ligo
na at ng makarami tayong
mapuntahan" sabi ni James.
"Vince, di mo ba sasamahan si
Faye?" tanong ko
"Eh di na daw. Ok lang daw sya.
Hahabol naman sya sa atin. Imi-
meet na lang natin sa Camp John
Hay" sagot ni Vince
"Ah ok..." ang sagot ko.
Nagalmusal kaming lima.
Pagkatapos kumain, nagligpit at
naligo na kami. Pila sa banyo. Ang
mga babae sa banyo sa
basement naligo, habang kaming
mga lalake naman sa taas, sa
kuwarto ni James. Makaraan ng
mahigit isang oras, bihis na
kaming lahat.
"O tara na." yaya ni James.
"Nagpaalam ka na ba Vince kay
Faye?" tanong ni Mabel
"Yup. Ok lang daw sya. Mabuti-
buti na ang pakiramdam nya.
Maya-maya lang at tatayo na
yun.
Makakahabol nga sa John Hay."
sagot ni Vince.
"O lets go na." pagmamadaling
hikayat ni Pebbles.
Sa harapan ng bahay kami
nagabang ng masasakyat.
Madalas dumaan ang mga FX sa
kalye namin. Ilang minuto lang
kaming naghintay at naka-para
kami ng masasakyan. Sumakay
kaming lima. Nasa harapan si
Vince. Sina James and Pebble sa
likod. Kami ni Mabel sa gitna. Di
pa nakakalayo ang FX ng bigla
kong maalala...
"Nakup. Mama, sandali lang.
Naiwan ko wallet ko. Teka kunin
ko muna" bulalas ko.
"Ano ka ba naman Jun?
Tumatanda ka na yata eh.
Nagiging malilimutin ka na" biro ni
James.
"May pera naman ako, Jun"
sabat ni Mabel.
"Ha eh. Baka may magustuhan
akong bilhin. Saglit lang naman
eh." sagot ko.
"Kung gusto mo humabol ka na
lang" ika ni Pebbles.
"Langya. Nagmamadali talaga
itong si Pebbles. Atat mag-
shopping." sa loob-loob ko.
"O sige ganun na nga lang. Meet
ko na lang kayo sa palengke."
ang tanging nasagot ko.
"Ok ka lang Jun?" tanong ni
Mabel
"Yup. No problem. Ok lang. Atsaka
baka pwede ko na ring masama
si Faye" sagot ko.
"Sige, mas ok nga yun" sangayon
ni Vince
"O sige pre. Kita na lang tayo
dun" sabi ni James.
Lumipat muna sina James and
Pebbles sa gitna, pagkatapos,
lumarga na ang sasakyan.
Naglakad akong pabalik sa bahay.
Pagpasok ko, nasa sala si Faye.
"Fa... Faye.... ok ka na?"
nagaalinlangan kong tanong
"Ah, eh oo." sagot ni Faye ng di
man lang tumitingin sa akin
"Naiwan ko kasi pitaka ko.
Kukunin ko lang tapos habol ako
sa palengke. Gusto kasing mamili
ng mga babae eh." sabi ko
"Ahhh... ok" matipid na sagot ni
Faye
Para di kami magkahiyaan,
dumiretso ako sa may hagdanan
at umakyat sa kwarto para
kunin ang pitaka. Pagbaba ko...
"Faye, alis na ako." paalam ko
"Jun?" tanong ni Faye.
"Yep?" sagot ko
"Pwede ba tayong magusap
sandali?" tanong ni Faye
Di ako makasagot kaagad. Umupo
si Faye sa sofa.
"Jun, so... sorry kagabi"
"Ha... eh... wala yun... pabayaan
mo na... kalimutan mong nangyari
yun" di mapakaling sagot ko.
"Yun... yun nga ang problema eh."
sunod ni Faye. "Di... di ko maalis-
alis sa utak ko."
Di ko alam ang aking sasabihin. Di
ko malaman paano ako magre-
react. Di ako makaalis sa aking
kinatatayuan.
"Di ko sinasadya Jun. Papunta
ako ng kusina para kumuha ng
maiinom.... tapos... tapos narinig
ko si Mabel." kwento ni Faye. ...
No comments:
Post a Comment