Ilang buwan nakaraan…
"Pre, tuloy tayo sa Baguio ha?"
paninigurado ni James.
"Oo naman. May isasama ka ba?"
tanong ko
"He he he. Oo naman. Pare,
masabaw!" nakangising sagot ni
James
"Tang na, James. Pokpok na
naman ang isasama mo?"
"Kaysa wala no? Limang araw
tayo sa Baguio. Kailangan may
parausan. Ha ha ha"
"Eh sina Faye and Vince wala
naman isasama eh"
"Wow! Jun ang slow mo. Di mo ba
napapansin na nagkakaigihan ang
dalawa?"
"Talaga? Anak ng tokwa. Di ko
namalayan ah. Sila na ba?" gulat
kong tanong
"Hmmmm alam ko di pa. Parang
nagliligawan pa ang mga leche ha
ha ha" biro ni James. "Eh ikaw,
isasama mo ba gf mo?"
GF? Ahhhh oo nga pala. May gf
na ako. 3 buwan na ang
nakakalipas mula ng may
mangyari sa amin ni Mabel.
Matagal din naming tinago ang
amin relasyon. Tinanong ko lang
sya last week kung pwede namin
gawing official ang aming
relasyon dahil marami ng
nakakahalata sa pagiging malapit
namin sa isat isa.
"O ano Mabel? Tayo na ba?"
"Loko. Nakuha mo na nga ang
virginity ko, tinatanong mo pa
yan." nangingiting sagot ni Mabel.
"I mean, officially. Tayo na? Di
lang M.U.? Hirap na kasing i-deny
na di kita girlfriend eh. Pansin
kasi ng mga tao na panay ang
dikit mo sa akin. He he he"
"Kapal mo, Jun. Mmmmmmm..."
Kinurot ako.
"Aray! Aray! Biro lang, biro lang
he he he"
"Ikaw talaga kapal ng mukha" ani
Mabel.
"Eh kasi naman nga. Tayo na
ba?" pangungulit ko.
"O sya, sya. Ng matigil ka... oo
tayo na." nakangiting sagot ni
Mabel.
"Talaga?! Yahoooooo! I love you!!!"
sigaw ko
"Hoyy! Wag kang maingay at
nakakahiya" nakangiting suway
ni Mabel.
"Sabi ko, isasama mo ba syota
mo?" ulit ni James.
"Ha? Di ko pa alam eh.
Nagpapaalam pa sya sa mga
parents nya" sagot ko.
"Naku pare, isama mo na. Dahil
kung hindi, ikaw lang ang single
sa grupo. Kawawa ka sa Baguio
ha ha ha" pangalaska ni James.
"Bahala na. Di pa sya
pinapayagan eh"
Dumating bigla sina Faye and
Vince.
"Ehem", bati ko.
"Hi Jun! Hi James." bati ni Faye.
"Hmmmm mukhang late kayong
pareho ni Vince? Anong ginawa
nyong dalawa kagabi?"
nanghuhuling tanong ni James
"Ha, eh", nauutal na si Vince
"Nagkasabay lang kami sa lobby
ni Vince no" depensa ni Faye
Halatang namumula si Faye. May
itsura din si Faye. 52" ang
tangkad, sexy din at morena. Ni
di ko naisipang ligawan itong si
Faye. Bunsong babae ang turing
naming 3 lalaki kay Faye. Well,
dati siguro dahil eto nga at
mukhang nagkaka-in-lab-an
silang 2 ni Vince.
"Oo, nagkasabay lang kami
papasok" pag-segunda ni Vince.
"Asshuuuu-sshuuuu-ssshhhhuuu"
pangiinis ni James
"James ha? Di ka na
nakakatuwa" napipikong sabi ni
Faye.
"Tama na nga yan" sabat ko.
"Ready na ba kayo bukas? Baka
may nakalimutan pa tayo?"
"Handa na po lahat" sagot ni
Faye
"Hokey. Masaya ito" sabi ni
James. "Baguio, here we come!!!"
Kinabukasan, sa bus terminal ng
Rabbit sa Edsa...
"Hi Mabel. Buti nakasama ka." bati
ni James. "Tama lang na kasama
kung hindi, malamang nambabae
itong si Jun sa Baguio he he he"
"Oo nga eh. Napapayag ko
parents ko. Balak ko talagang
sumama ng mabantayan itong si
Jun" sabi at sabay tingin sa akin
ni Mabel.
"Ah sya nga pala, Jun, Mabel, si
Pebbles."
"Hi!!!" bati ni Pebbles
"Hello" sabi ko
"Hi" sabi ni Mabel.
"O yung magsyota wala pa ba?"
tanong ni James
"Eh parating na raw. Nag-text sa
akin si Vince. Sabay daw silang
nagtaxi papunta dito" sagot ko.
"Sina Faye and Vince na ba?"
gulat na tanong ni Mabel
"Di... wag ka ngang
magpapaniwala kay James. Luku-
luko yan." sabi ko.
"Ayyy oo, pilyo nga itong
kaibigan nyo" may pagkapilyang
sangayon ni Pebbles.
"Jun, maniwala ka. Nag-motel
muna ang dalawa kaya late sila
ha ha ha" kantiyaw ni James.
"Gagiks! Ikaw talaga. Pag si Faye
napikon sa yo, James, yari ka.
Teribleng mainis yun"
pagpapaalala ko.
"He he he nagbibiro lang naman
eh." sagot ni James.
Makaraan ng ilang minuto,
dumating na ang dalawa.
"Sorry guys, traffic eh" panghingi
ng dispensa ni Faye.
"Bakit, Vince, matrapik ba sa
Pasig? he he he" pangaasar ni
James.
"Ha? Bakit naman Pasig? Eh
pareho kaming taga-Quezon
City...." di natuloy ni Vince ang
sagot. "Langya ka. Di ako ganun
ha? Di ako nagmo-motel!"
"Jaaaammmmeeesss!!!" sigaw ni
Faye
"Ha ha ha peace, peace!" ani
James.
"Hi Faye" bati ni Mabel.
"Hello" may pagkalamig na sagot
ni Faye.
"Mare, si Pebbles nga pala"
pakilala ni James sa kasama.
"Hi!" bati ni Pebbles
Ngumiti lang si Faye.
"Tara na at sakay na tayo ng
makapili tayo ng mauupuan" yaya
ni Vince.
Sumakay na kami sa bus. Isang
oras pa bago ito aalis. Kaunti pa
lamang ang mga nakasakay kaya
maraming bakanteng upuan. Sina
James at Pebbles ang naunang
naupo. Sa pandalawahan sila.
Kami naman ni Mabel ay umupo
sa likuran nila. Sina Vince and
Faye ay parang nagaalinlangan.
Pero sa bandang huli, umupo din
sila sa pandalawahan, sa likuran
namin ni Mabel. Lumipas ang isang
oras at umandar na ang bus.
Kaunti lang ang nakasakay.
Kakapagtataka kasi kadalasan
pag ganitong summer eh
maraming umaakyat ng Baguio.
Mahaba-haba ang biyahe. Panay
ang kuwentuhan naming walo.
Kain ng chichiria. Inom ng
softdrinks. Marami ...
No comments:
Post a Comment