Wednesday, 21 November 2012

Init Part 4


"Anak ng pateteng. Di kasi 
nagising ng maaga. Late na 
naman ako nito. Pihadong 
masama na naman ang tingin sa 
aking ni bossing nito" sa isip ko 
lang. 
Pasado alas-nuwebe na at nasa 
bus pa rin ako. Napasarap ang 
tulog ko. Di ko na kailangan isipin 
kung anong dahilan bakit 
masarap ang tulog ko. 
"Mabel..." bulong ko sa sarili. 
Nanariwa sa aking alaala ang 
nangyari sa amin kahapon... 
kagabi... Pagkatapos, naghiwalay 
lang kami ng basta-basta. Di man 
lang napagusapan kung ano ang 
namagitan sa aming dalawa. 
Naputol ang aking pagmumuni- 
muni ng... 
"Ayala - Herrera na. Susunod na 
hinto sa may Glorietta na" sigaw 
ng konduktor. 
Tumayo na ako at bumaba sa 
bus. Nagsimula na akong tumakbo 
papuntang opisina. 
"Anak.... haaaa.... ng.... hhhaaa.... 
jueteng...." nagmumura ako 
habang tumatakbot hinihingal. 
"Baka masisanti na ako nito. 
Madalas na lang akong late" sa 
wari-wari ko. 
Nakarating ako sa building na 
kung saan nandun ang opisina 
namin. Pawisan akong pumasok 
sa elevator sabay pindot sa 
"Close". Pinindot ko ang "23". 
"Syet! Sana wala pa si bossing." 
Bumukas ang pintuan ng 
elevator at lumabas ako kaagad. 
Pagpasok sa pintuan ng opisina, 
nakasalubong ko si Mabel. 
"Hi Jun. Wag kang magalala. Wala 
pa si Sir Greg". 
Si Boss Greg, ang bossing namin. 
Na animo mabangis na tigre kung 
makatingin kapag nahuli ka 
nyang late pumapasok. 
"Ah talaga... haaayyyy salamat!" 
nakangiting tugon ko kay Mabel. 
"Hmmm, pawis na pawis ka na 
naman ah. Baka gusto mong 
magtanggal ng polo" sabay 
kindat na wika ni Mabel. 
Ngumiti lang ako. At least ok pa 
rin kami ni Mabel. Akala ko 
magkakahiyaan kami, pagkatapos 
ng mga pangyayari kahapon. 
"O sige Jun, catch you later. May 
aasikasuhin pa ako". 
"Ha, eh sige. Later, Mabel" 
Pagkaupong-pagkaupo ko pa 
lang sa aking cubicle, nagsimula 
na ang kantiyawan ng mga 
kaopisina ko. 
"Jun, late ka na naman. Ano ka 
ba hijo? San ka ba nagpupunta 
pag gabi at lagi kang puyat" 
kantiyaw ni Faye na nakapwesto 
sa kanan ng cubicle ko. 
"Siguro nag-beerhouse ka no. 
Magyaya ka naman pre. Isama 
mo naman kami" dagdag ni James 
"Tol, sa mga patay-sindi ka ba 
nagpupunta? Sama mo naman 
ako." nangungulit na si Vince. 
"Mga gungong, napahaba lang 
ang tulog ko kaya late ako" 
sagot ko sa kanila. 
"Sus, if I know, mula ng single ka 
ulit malamang nagpapakalasing 
ka gabi-gabi" tuloy na pagbibiro 
ni Faye. 
Tawanan sila. Nakitawa rin ako. 
"Di no, napahimbing lang tulog. 
Atsaka yung kay Lorna, ok na 
ako. Over na ako dun" sabi ko. 
Over na nga ba ako? Alam kong 
nami-miss ko pa rin sya. Nami- 
miss ko ba sya o yung mga 
pinagagagawa namin? Di ko 
masagot ang tanong kong iyon 
sa sarili. 
"Pero seriously Jun, its good na 
ok ka na. Nung kaka-break nyo 
lang ni Miss Chinatown eh para 
kang walang kabuhay-buhay." 
sabi ni Faye. 
Sumangayon sina James and 
Vince. "Oo nga tol. At least di ka 
na mukhang namatayan". 
Nangiti ako sa mga sinabi nila. 
Mga kaibigan ko ang 3 ito. Di lang 
kaopisina o katrabaho ang turing 
ko sa kanila. Matagal na rin ang 
samahan namin. Nagsimula kami 
sa isang kumpanya 4 years ago 
tapos ng mag-resign ako, 
nagsunuran sila sa akin dito. Yun 
ang pact namin nun sa lumang 
company namin. Nag-bonding 
talaga kami. Usapan namin, kung 
nasaan ang isa, nandun ang 
lahat. Nagsimula na kaming 
magtrabaho. Rinig na rinig ko ang 
mga katakak ng mga keyboards 
nila. Ako? Nakatingin lang sa 
monitor. Ang wallpaper ko kasi 
ay picture ni Lorna. 
"Mas mainam siguro na palitan ko 
na ito" sabi ko sa sarili. 
Kaunting galaw at pindot sa 
mouse, pinalitan ko ang 
wallpaper ng isang abstract na 
background. 
"Kung kami talaga ni Lorna, 
magkakabalikan at 
magkakabalikan din kami" bulong 
ko. 
Pagkatapos nun, nagsimula na 
akong magtrabaho. Mga 
software developers kami. 
Gumagawa kami ng proprietary 
applications na ginagamit ng 
kumpanya namin internally. 
Lumipas ang mga oras at mag-a- 
alas dose na. 
"Vince, gutom ka na ba?" tanong 
ni James. 
"Oo, tara labas na tayo" yaya ni 
Vince. "Faye san tayo kakain?" 
tanong nito 
"Parang gusto ko ng sisig" sabi ni 
Faye. "Enterprise na lang". 
"O sige. Jun, halika na" sabi ni 
James. 
Sumagot ako ng "okidoki" at 
tumayo. Sabay-sabay kaming 
pumunta sa Enterprise. The usual 
ang nangyari over lunch. Kainan, 
tawanan, kuwentuhan. Masaya 
kami pag magkakasaman kaming 
apat. 
Pagkatapos kumain, balik kami 
ulit sa opisina. Nabalitaan namin 
sa isa naming kaopisina na di 
papasok si Boss Greg. 
"Mga gungong, napahaba lang 
ang tulog ko kaya late ako" 
sagot ko sa kanila. 
"Sus, if I know, mula ng single ka 
ulit malamang nagpapakalasing 
ka gabi-gabi" tuloy na pagbibiro 
ni Faye. 
Tawanan sila. Nakitawa rin ako. 
"Di no, napahimbing lang tulog. 
Atsaka yung kay Lorna, ok na 
ako. Over na ako dun" sabi ko. 
Over na nga ba ako? Alam kong 
nami-miss ko pa rin sya. Nami- 
miss ko ba sya o yung mga 
pinagagagawa namin? Di ko 
masagot ang tanong kong iyon 
sa sarili. 
"Pero seriously Jun, its good na 
ok ka na. Nung kaka-break nyo 
lang ni Miss Chinatown eh para 
kang walang kabuhay-buhay." 
sabi ni Faye. 
Sumangayon sina James and 
Vince. "Oo nga tol. At least di ka 
na mukhang namatayan". 
Nangiti ako sa mga sinabi nila. 
Mga kaibigan ko ang 3 ito. Di lang 
kaopisina o katrabaho ang turing 
ko sa kanila. Matagal na rin ang 
samahan namin. Nagsimula kami 
sa isang kumpanya 4 years ago 
tapos ng mag-resign ako, 
nagsunuran sila sa akin dito. Yun 
ang pact namin nun sa lumang 
company namin. Nag-bonding 
talaga kami. Usapan namin, kung 
nasaan ang isa, nandun ang 
lahat. Nagsimula na kaming 
magtrabaho. ...

No comments:

Post a Comment