Friday 23 November 2012

My Neighbors kabanata 9-7



Gusto lang siguro nito ng lagay. Paano ba hina-handle nina Dante ang ganitong makukulit na government inspectors? Teka…

Inakbayan niya ang matandang inhenyero. “Mang Romy, pakitulungan na lang ninyo ako sa trabahong ‘to. Under observation pa ho ako sa opisina, e. Baka ho mawalan agad ako ng trabaho. Tena ho muna kayo sa Poblacion… lunchbreak na ho. Kumain muna tayo.”

Tumango ito. “Okey lang, Cuervas. Sige, puwede na yan. Tsk, no’ng una kang mag-inspeksiyon dito, nayayabangan ako sa yo, e. E kung ganyan ba namang —”

“Pasensiya na ho kayo, Engr. Tobias,” aniya. “Bagito pa nga ho ako, e.”

Oo nga, ang porma ko noon. Bakit ba ang yabang-yabang ko? A, matututo rin ako…

No comments:

Post a Comment